Mga Salitang Malimit Gamitin

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.”

Dr. Jose Rizal
Nabasa mo na ba ang Noli? Ano ang iyong masasabi?
Naaalala mo pa ba ang mga salitang ito?

(Have you read Noli Me Tangere? What can you say about it?
Can you still remember these words?)
Kung tayo ba’y nabuhay noong panahon ng mga kastila, malalaman ba nating tila pinabayaan na ang ating wika ngayon?

Muli nating balikan ang mga salitang minsa’y nabasa natin mula sa libro.

Simulan natin dito:

Basal: hindi pa nagagamit.

Halimbawa: “Sinapit ng lalaki ang isang batuhan na naliligo sa ilalalim ng buwan matapos niyang malagpasan ang mga sagabal na karaniwang natatagpuan sa basal na gubat kung gabi. “

~Noli Me Tangere, “Ang mga Api”

Marusing: marumi

Halimbawa: “Dinatnan nila roon ang may labindalawa o labinlimang lalaking marusing ang mukha at damit.”

~Noli Me Tangere, “Ang mga Api”

Tanglaw: gabay

Halimbawa: “Isang lalaki ang naglalakad sa kagubatan sa tanglaw ng sinag ng buwan na naglalagos sa pagitan ng mga sanga at kahoy.”

~Noli Me Tangere, “Ang mga Api”

Kinondena: itinakwil

Halimbawa: Ang aking lolo ay kinondena dahil sa kasalanang hindi niya ginawa.

~Noli Me Tangere, “Ang Kasaysayan ni Elias”

Mabalda: mag-alala

Halimbawa: Hindi mapigilan ni Ibarra na mabalda sa sasapitin ni Maria Clara dahil sa mga mangyayari sa gabing iyon.

~Noli Me Tangere, “Ang Sabwatan”

Pasuling-suling: naglalakad o nagtatakbo nang walang tiyak na pupuntahan

Halimbawa: Nagpasuling-suling ang mga tao nang marinig nila ang napakalakas na tunog mula sa labas ng simbahan.

~Noli Me Tangere, “Ang Kapahamakan”

Nakaririmarim: nakakapandiri

Halimbawa: Tiyak na nakaririmarim ang pinaggagawa ng mga guardia sibil sa isang kaawa-awang Tarsilo na lubos nilang pinarusahan nang walang hinto.

~Noli Me Tangere, “Silang mga Nalupig”

Urbanidad: Walang modo; masama ang asal

Halimbawa: Matagal na nilang tinitiis ang mga kastilang walang urbanidad na matagal nang nanginginabang sa kanila.

~Noli Me Tangere, “Pagkamakabayan at Kapakanang Pansarili”

Lipulin ang Subersibo: puksain ang mga rebelde

Halimbawa: “Sayang at wala na ang dating gobernador-heneral. Kayang-kaya niyang lipulin ang lahat ng subersibo sa bayan.”

~Noli Me Tangere, “Pagkamakabayan at Kapakanang Pansarili”

Itatwa: hindi kilalanin; ikaila

Halimbawa: “Sa loob ng tatlong siglo ay tinanggap natin sila; humiling tayo ng pagmamahal at ninais na tawagin natin silang kapatid . Ano ang itinugo nila? Paghamak, panunuya, at ang itatwang tayo’y mga tao rin!”

~Noli Me Tangere, “Tugisan sa Lawa”

Narito ay ang gabay upang makasanayan ang mga salitang ito sa panahon ngayon.